Spookify

first time ko bumasa ng story dito sa spookify ngayong umaga. nakita ko’tong page na’to kasi naishare sya kagabi ng fb friend ko pero wala akong lakas ng loob basahin ‘to kagabi! kaya ngayong umaga, haha 8am, talagang hinanap ko yung shared post ng fb friend ko about sa UV EXPRESS na talaga namang habang binabasa ko e, lingon lingon din ako sa paligid ko at sa madilim na part ng kwarto! duwag ako, tinatakot ko sarili, pero syempre, nilalakasan ko yung loob ko lagi. hindi ako natatakot sa mga actual na nararamdaman ko o nangyayari sa paligid ko..mas natatakot na ko pag nakwento ko na sa iba. naiisip ko at narerealize ko na, oo nga noh.. Creepy pala talaga! alam kong hindi magandang mag-isip ng katatakutan sa sarili mong pamamahay. Kaya nagagalit samin ang papa ko, dahil sarili naming bahay iniisipan namin ng nakakatakot e dapat diba kami yung may right para walang puwang ang mga elemento o kung ano mang masama o napadpad lang na kung ano.. last last month, (friday, July 29, 2016) umuwi ako samin w/ my kids sa Bulacan para bumisita sa parents ko at para umattend sa 1st bday ng pamangkin ko. Friday night, alas nuebe na kami nakarating dahil sobrang traffic sa edsa.pag dating namin sa bahay syempre daldalan to the max kami ng sister in-law ko at dalawang kapatid ko na nasa bahay that time.. lakas loob naman sila nagkwento na simula nun lumipat na ng bahay yung ibang pamangkin ko, laging nasa trabaho parents ko, dalawang bata nalang naiiwan sa bahay..hindi na masyadong maingay at hindi narin mahilig magbukas ng radio yung sister in-law ko, parang mas madaming kakaibang nangyayari sa bahay. pramis, di kayo matatakot pag nangyayari yung mga creepy na yun..matatakot nalang talaga kayo pag naishare nyo na sa ibang tao yung experience nyo. either mag komento sila ng hindi totoo o maniwala sila.kaya kami, minsan ginagawa nalang namin katatawanan lahat yun pag may isa samin nagkwento ng kakaibang pangyayari sa bahay. Nun sobrang gabi na, nalaman ko na wala na naman ilaw sa kwarto na tutulugan namin, kasi napundi na naman! wala akong magagawa kasi gabi na. Sa isang kwarto may ilaw dun pero dun natutulog papa ko, ayaw namin dun kasi malamok lalamukin mga anak ko.haha yung kapatid ko naman na lalake, sa sala lang sya kaya ang kasama ko sa kwarto ay yung isang kpatid ko na babae at dalawang anak ko. medyo d ako nakatulog nun agad kasi walang ilaw tsaka naninibago na ko samin pagkatapos ko marinig iba nilang nakakatakot na kwento, (like, nag wa-wag ng tail yung aso namin sa isang lugar na parang meron nasa harap nya at tuwang tuwa sya. at yung isang sis ko na lapitin ng mumu e, nagpicture na may “bata” na nakasilip sa kurtina at may nagsabi na meron daw syang kasakasama.pero bago pa sabihin yun nun tao na meron daw nkitang kasama nya e, alam nya na yun di lng nya sinasabi sa ibng tao, kahit samin.huhu) twing magigising ako sa pagkakaidlip ko, lagi ako npapatingin sa bintana sa paanan ng hinihigaan ko..wala lang basta lagi ako napapatingin kasi napaparanoid ako na baka may sumilip dun, mga ganun factor ba..hehe nun magising naman ako ng magpo-4 am, naupo muna ko, titimpla sana ako ng gatas ng anak ko pero yung wilkins nya nasa sala sa pasimano,kaya kinuha ko muna yung bote sa ulunan ng higaan ko tpos yung gatas sa bag na nasa gilid ko lang din.nakatapat ako sa electricfan, may naririnig akong humihikbi..matagal pero pag pakikinggan ko mabuti, nawawala! Nun narinig ko ulit, nilapit ko yung tenga ko sa muka ng anak ko kase baka nananaginip at umiiyak sa panaginip, pero hindi naman sya..kaya pati anak kong binso inayos ko ng higa kase baka sya yun.. Yung hikbi na naririnig ko, nasa kwarto lang talaga kaya pati yung kapatid ko na kasama namin sa kama pinakinggan ko din kung umiiyak ba sya..di ko sya ginising kasi hindi naman sknya yung hikbi, hndi din sa bunso ko, kaya sinilip ko din yung Bro ko na nakahiga sa sala, baka kasi gising sya at sya yun, e hindi naman kasi nasa kwarto lang talaga yung naririnig ko na twing magrerelax ako at papakinggan ko ng maige, e nawawala..naisip ko bka si papa sa kabilang kwarto..pero medyo imposible kase pag nakikipag usap kami sa nasa kabilang kwarto kailangan mo pa sumigaw para magkaintindihan tlaga kayo kaya Hikbi pa kaya? nakpagtimpla na ko ng gatas, nakatulog ako ng maayos kasi maguumaga na at hindi ko naisip na nakakatakot pala yung hikbi na yun! nun magising kapatid kong kasama ko sa kwarto, sabi ko agad, umiiyak ka ba kanina? sabi nya hindi, bat ako iiyak?! tapos pinandilatan nya na ako agad ng mata! Puzzled naman ako kung bakit! kaya kinuwento ko na inisa isa ko sila nun nagising ako kasi nga may humihikbi, baka nananaginip tz umiiyak sa panaginip, kung sino man yun gigisingin ko sana kase baka mabangungot diba, yun ang point ko! nun nakwento ko na, ayun, tska sya nagkwento! di nga daw sya nagkukwento kagabi tungkol sa kwarto kase, baka matakot ako! kasi sya, since pang gabi dati ang duty ni papa at madalas pang gabi din si mama,yung Bro ko naman laging madaling araw umuuwi galing sa layasan, tapos yung sister in-law ko at isang Bro ko with their kids, dun sila sa bandng kusina ang kwarto nila,aakyat pa ng 3 steps na hagdan tz sala na.parang may sarili silang lugar kaya madalas tahimik banda sa sala at sa dalawang kwarto, plus 2nd floor na tambakan, walang ilaw at hindi masyado naakyatan. hindi nkakatulog yung kapatid ko sa kwarto na yun kaya nagagalit ang papa ko na twing umuuwi sya ng umaga e, sa sala nya naabutan yung kapatid kong babae dun natutulog e may kwarto naman! ang rason ng kapatid ko, lagi sya hindi makatulog sa kwarto kaya lalo naggalit papa ko kasi hater yun ng katatakutan! ayaw nya na may natatakot o nagkukwento ng nakakatakot kasi nga parang walang faith in god tapos sariling pamamahay nga naman namin yun ganun mararanasan. May sumisitsit daw kasi madalas o kaya ingay o kaluskos. tapos aalulong pa yung aso naming malaki, kaya lalong nkakapag taka kung bakit kahit alaga namin at alaga ng kapit bahay iba din yung tahol nila. Nun umaga na yun pagdating ng mama ko, kinuwento ko din s kanya. sabi nya, “o kita mo, ayoko lang din magkwento sa inyo na may sitsit din ako naririnig. At hindi rin ako nakakatulog dyan sa kwarto lagi ako nagigising!” dati kasi nun nagkwento ang mama ko na sya lang at karga nya pamangkin ko, sila lang nasa bahay may arinig sya na biglang nag “RARRR!” Na ikinagulat nya at ng baby na karga nya at ng aso namin, yung rarr daw na yun e dun din banda sa kwarto na yun nya narinig! biglaan pagarinig lang kaya nagulat sila, pati nga daw aso nmin nagulat e, pero sila lang ang asa bahay. pinagtawanan lang namin si mama, wala naniniwala pero sigurado sya sa sarili nya na wala naman ibang tao at dun nya talaga bnda sa kwarto narinig. dun din sa kwarto na ako dati naka experience na nagising ako ng madaling araw na nagalit ako sa pamangkin ko, kasi biglang takbo galing sa paanan ng higaan na minsan dun sila natutulog sa sahig pag kumpleto kami sa bahay! bumangon ako kasi nga tumakbo! pagtingin ko sa sala naman pala natutulog yung mga pamangkin ko at wala nang ibang gising kase dis oras ng gabi! namalikmata ako na may bata na tumakbo.
Masyado nang mahaba kwento ko pero sishare ko parin na LAGING PUMUPUTOK yung ilaw namin sa isang kwarto na laging tinutulugan ko dati nun nka stay pa ako dun nun buntis pa lang ako sa panganay ko.. twing bago ako umuwi dun, sasabihin nila, wala na naman ilaw sa kwarto, PUMUTOK NA NAMAN KASI UUWI NA NAMAN DAW AKO. Pag naman andun na ko, kakapalit lang ng ilaw.. Mapupundi na naman after a week lang. sinasabi ko nun na baka may sira sa wirings! oo baka nga meron sira, at lagi nangyayari pag andun ako o twing magbabakasyon ako dun. nakakatakot kaya yung sa gabi muni muni ka tz puputok yung ilaw, abah! tz kami lang ng anak ko sa kwarto kailangan ko kumalma kasi, kakargahin ko pa anak ko tz lilipat kami sa sala.. kinabukasan ng after ko maexperience yung HIKBI HIKBI na yun, nagpabili ako ng ilaw sa si inlaw ko kasi ayoko na matulog ng medyo madilim. ayun, may ilaw na nga pero yung Hose ng tubig sa cr sa kwarto, narinig ko! inisip ko nalang na baka nagalaw ng ipis o butiki yun! July, 31 balik manila na kami ng mga anak ko. mas natakot ako dito samin sa bahay ng in-laws ko kasi gabi ang shift ng asawa ko, mas napaparanoid ako sa mga malik-mata ko! nilalakasan ko nlang loob ko. iniisip ko nalang na, kung meron talaga, meron tlaga, diba? pag namalik mata na ako, natutulog na ko..ayoko na magpuyat! kaya lang nman ako nagpupuyat kasi 3am pauwi na asawabko, hindi talaga ako nkakatulog sa gabi kasi twing pipikit ako, kung ano ano naiisip ko.. like yung bata sa selfie ng sis ko, tapos sa madilim na part pa ng tinutulugan nming kwarto, takot ako sa lumng cabinet sa taas, takot ako sa mga damitan, hangeran ng damit! ganun ako kapraning! August 13, check in kmi sa private resort sa calamba, grabehan na talaga.. kasi, pag dating pa lang namin sa room, iniwan na ko ng asawa ko, kasama nya panganay ko bumaba sila pumunta sila sa mga kasama namin para mag prepare ng foods at para ikuha na din ako at dalan ng food sa kwarto kasi makulit ang bunso namin,hirap habulin pag naibaba na. Kmi nalang ng bunso namin sa kwarto, pumutok ba naman yung isang ilaw! Natakot ako syempre at nakikiramdam.binuksan ko nalang yung tv..naisip ko, kanina pa bukas yung ilaw bago pa lang kami dumating tapos nun ako nalang, kakahiga ko lang ng kama tz biglang pumutok.kaloka! Tinext ko kaagad yung isang kapatid ko, sabi nya lang, “pati ba naman dyan pinapaputok mo yung ilaw?!hahaha” natawa nalang kami pero iniisip ko na syempre baka may sira yung wiring nila. Di naman nag black out sa room kase, lahat ng sides ng ceiling, may ilaw tz sa gitna may ilaw din..yung isang ilaw lng sa side sa tapat ng kama lang naman yumg pumutok! pag balik ng asawa ko, nag dim sya ng ilaw, naghaharutan sila ng panganay ko, katabi ko yung panganay ko, sabi nya sa panganay ko, “sino yang katabi mo?” na parang my itinuturo na iba pero nananakot lang sya at natakot naman ako
Sinaktan ko sya ng sobra at pinagbabato ng mga unan! umiyak na ko tska sya nag sorry! Nun okay na ako, tsaka ko sinabi sa kanya na pumutok nnga yung ilaw..e, kaya naman daw pala takot na takot na nman ako. Lagi nman nya ko tinatakot, lagi ko din sya nasasaktan pag tinatakot nya ko..wala na ko ibang pinagsabihan na pumutok yung ilaw sa kwarto. august 18, umuwi ulit ako ng Bulacan para sa bday ng pamangkin ko at wedding anniv ng parents ko, di ko na sinama kids ko.. uwian lang din ako that day. pag dating ko dun, as usual! wala na naman ilaw sa kwarto, kakabili ko lang nun huling uwi ko. Depektibo talaga mga bumbilya dunsa amin e, ano? hahaha *since ang haba na ng storya ko, gusto ko pa ishare naman yung sa isang Bro ko, na nagmomotor sya feeling nya daw may naka angkas sa kanya sa part ng klsada na mapuno at madilim (sa bulacan parin) tinanong sya ng papa ko, anong ginawa nya.. Sabi nya nagdahan dahan nalang daw sya sa pag papaandar habang nagdadasal. kase, ganun daw yun pag feeling na may naka angkas, magdahandahan daw.. AT HABANG TINATYPE KO ‘TONG STORY KO KINIKILABUTAN PO AKO. PWERA BIRO. KINIKILABUTAN AKO!! andito ako sa isang kwarto namin, sa kung saan nun medyo maliit pa yung panganay ko na may tinuturo syang KALABAW (na lagi syang nagkakamali, na kapag may horse, kalabaw ang sinasabi nya. ) at dito rin sa kwarto na kung saan din tumuro sya sa pader na meron daw nakasalamin na wala naman tao at talagang itinuro pa nya na AYAN OH!

Ngayon lang ako nakapag share ng nakakatakot. Mas natakot ako bigla atska, kung may gnto din kayong experience share nyo..kesa sarilinin natin, noh?

time check: 09.30am

-apinkchuck,
metro manila.

Leave a comment